Patuloy na pinag-aaralan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga bakunang posibleng gagamitin bilang booster shots.
Sa laging handa briefing sinabi ni Fda Dir. Gen. Eric Domingo na posibleng matapos na ng mga eksperto ang ginagawang pagsusuri sa mga bakunang ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Kaya naman hindi malabo aniyang masimulan ngayong buwan ang pagbibigay ng third dose sa mga piling grupo kung saan kabilang ang mga healthcare worker, immunocompromised people at mga taong mataas ang risk na mahawaan ng COVID-19.
Ani Domingo, kabilang sa pinag-aaralan ng mga eksperto ang rekomendasyon ng health technology assesment council ng DOH ang mix and match ng mga bakuna.
Masusi aniyang tinitingnan kung anong kombinasyon ng COVID-19 vaccines ang ligtas na ibigay sa publiko.