Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa ilang condiments at spices na hindi rehistrado at hindi sumailalim sa safety testing ng ahensya.
Batay sa anunsyong ipinalabas ng FDA, ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng ilang brand ng suka at flavoring.
Kabilang sa listahan ang:
- Aika vinegar sukang puti
- Victory brand the family’s choice vinegar
- Tawa-tawa concentrate
- Gloris jolli mayo all purpose dressing
- Crackle snacks salted egg
- Carl’s special fish crackers (tender and crunchy)
- Carl’s special fish crackers (tender and crunchy) hot and spicy
- Magic vinegar
- Melgon crispy mushroom original
- Eren’s crisps and crunch squid curls
- Alexander’s worcestershire sauce
- Chickentucky crispy mix coat fry (garlic flavor)
- Crunch time flavorites (fiery glaze)
- Crunch time flavorites (hot and spicy)
- Crunch time flavorites (soy garlic)
- Crunch time flavorites (creamy cheese)
Ayon sa FDA, ang mga nabanggit na produkto ay walang safety testing kaya’t maituturing ang mga ito na delikado sa kalusugan ng tao.