Nagbabala ang FDA o Food and Drug Administration laban sa pekeng bersyon ng Rabipur PCEC Rabies Vaccine na ginagamit sa tao.
Ayon sa anunsyo ng FDA, mayroong mga palatandaan upang matukoy kung peke o tunay ang anti rabies vaccine.
Ang label anila sa kahon ng orihinal na Rabipur PCEC Rabies Vaccine ay may matingkad na shade ng gray samantala, mas malabnaw naman ang tinta na ginamit sa QR code.
Kabilang umano sa mga batch ng pinekeng anti rabies ay batch no. 3503 at batch no. 3479.