Hindi maaaring makipag-ugnayan ang lahat ng mga doktor sa sino mang nasa tobacco industry o e-cigarette industry.
Ito ang ipinag-utos ng Food and Drug Administration (FDA) sa bisa ang DOH-CSC Joint Memorandum Circular 2010-01 matapos makarating sa kaalaman ng ahensya na target ngayon ng mga e-cigarette company na kumuha ng mga pampubliko at pribadong doktor na makatutulong na linisin ang imahe at muling ma i-promote ang paggamit ng e-cigarette.
Ayon sa FDA, kapahamakan din sa kalusugan ang maidudulot ng paggamit ng e-cigarette gaya rin ng paggamit ng tradisyunal na sigarilyo.
Nagiging daan umano ang paggamit ng e-cigarette para ma-expose ang mga kabataan sa paggamit ng tabako at droga.