Muling nagpa-alala ang Food and Drug Administration sa publiko kaugnay sa pagbili ng mga produktong food supplement na hindi rehistrado sa ahensya.
Batay kasi sa kanilang isinagawang surveillance, natuklasan nilang maraming produkto ang hindi dumaan sa proseso at walang certificate of product registration na ibig sabihin ay walang katiyakan sa kalidad at kaligtasan ang mga produkto.
Kabilang dito ay ang Daiso Select VC 1500 lemon, Powder Drink Soda Float Jelly, Balai Homemade HP Turmeric Tea Plus, Jacquilous’s Malunggay Herbal Tea at Nurture Grace Extra Virgin Coconut Oil 350ml.
Kasama rin sa kanilang listahan ang Acne Care Lactoferrin with Linumlife Extra and Zinc Gluconate Dietary Supplement, MS for Male Tablet at CL Pito-Pito Herbal Capsule.
Ayon sa FDA, ito ay maituturing na paglabag sa Republic Act Number 9711 o Food and Administration Act of 2009.
Nagbabala din ang ahensya sa mga tindahan na nagbebenta ng mga nasabing produkto dahil sa posibleng pagharap ng mga ito sa kaukulang parusa.
Posted by: Robert Eugenio