Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na hindi ligtas ang mga COVID-19 vaccine na nakumpiska mula sa mga iligal na nagbebenta.
Ito ang binigyang diin ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, makaraang maraming kumakalat na iligal na pagbebenta ng bakuna sa bansa.
Dagdag ni Domingo, walang katiyakan na nakokompromiso nito ang required na temperaturang kailangan para sa bakuna.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad kung saan nagmula ang mga nakumpiskang bakuna.
Samantala, nanawagan si Domingo sa publiko na agad isumbong ang mga bentahan ng bakuna alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.