Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA laban sa pagbebenta at paggamit ng mga hindi rehistradong sexual enhancement pills.
Ito’y batay sa abiso ng FDA kung saan ipinahayag ni FDA Director General Nela Charade Puno na natuklasang walang inisyu ang FDA na certificate of product registration sa isang kumpanya na gumagawa at nagbebenta ng nabanggit na klase ng pills.
Nakasaad din sa Republic Act Number 9711 o FDA Act of 2009 na ang paggawa, pag-angkat at pagbebenta ng mga produktong walang pahintulot mula sa FDA ay mariing ipinagbabawal.
Nakipag-ugnayan na rin umano ang FDA sa Bureau of Customs (BOC) upang matigil na ang pagpasok ng mga naturang pills sa bansa.
—-