Pinakikilos ng Food And Drugs Administration (FDA) ang mga law enforcement agencies at lokal na pamahalaan na tiyaking hindi maibebenta sa merkado ang isang brand ng vape juice.
Ito’y ayon sa FDA ay matapos nilang makitaan ang vape juice brand na gluttony partikular na ang “mamon” flavor dahil sa nagpositibo ito na may sangkap na cannabinol na isang uri ng liquid marijuana.
Mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang anumang uri ng produktong may sangkap na marijuana salig sa itinatadhana ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 .
Dahil dito, alinmang tindahan o establisyemento na mahuhuling nagtitinda ng nabanggit na produkto ay mahaharap sa kaukulang kaso at papatawan ng parusa.