Binalaan ng FDA ang mga tindahan laban sa pagbebenta ng juice na may alak sa mga kabataan.
Kasunod ito ng pagsita ng mga senador sa packaging ng Alcopops na anyong fruit juice lamang ngunit may alcoholic content.
Ayon sa FDA, pinaalalahanan ang mga tindahan, grocery stores at convenience stores na huwag ibenta ang Alcopops sa mga menor de edad.
Umapela rin ang ahensiya sa mga tindahan na maglagay ng signages sa kanilang establisyemento na hindi sila nagbebenta ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa mga wala pa sa hustong edad.