Ibinabala ng Food and Drug Administration ang pagkalat ng umano’y drug combination na maaaring makapagpagaling mula sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinaalala rin ng FDA sa lahat ng health facilities at health professionals na sundin lang ang inirerekomendang treatment guidelines ng Department of Health (DOH) sa paghawak sa COVID-19 patients.
Lumalabas anito sa baseless claims sa social media na ang drug combination ng procaine at dexamethasone na may vitamin b o prodex b ay epektibo sa paglaban sa viral infections.
Sinabi rin ng FDA na hindi rehistrado sa kanila ang prodex b.