Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko ukol sa pagbili at pag inom ng iba’t ibang uri ng alak na hindi dumaan sa safety evaluation ng ahensiya.
Kasunod ito ng pagkamatay ng 11 katao matapos na malason sa ininom na lambanog sa Laguna.
Ayon sa FDA, ang pag kunsumo ng lambanog na hindi dumaan sa pagsusuri ng ahensiya ay posibleng makalason at magdulot ng pagkabulag at permanent neurologic dysfunction o kaya ay pagkasawi.
Kaugnay nito, pinakikilos ng FDA ang mga LGU at law enforcement agency na tiyaking hindi nabebenta sa merkado ang mga hindi rehistradong alak.