Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at pagkonsumo ng isang food supplement para sa mga lalaki.
Ito ay matapos matuklasang nagtataglay ito ng isang klase ng prescription drug para sa erectile dysfunction o gamot na mahigpit na kinakailangan ng reseta mula sa mga doktor.
Batay sa ulat, nagpositibo sa tadalafil, isang prescription drug para sa erectile dysfunction, impotence at pulmonary hypertension ang batch ng food supplement na bravo maca plus jatropha plus corynaea crassa food supplement for men.
Binigyang diin ng FDA, ipinagbabawal na gamitin bilang sangkap sa food supplement ang tadalafil dahil sa panganib ng pagkakaroon nito ng mga side effects tulad ng stroke, pag-iba ng paningin, ulcer at problema sa kidney at puso.