Bilaan ng Food and Drug Administration ang publiko laban sa paggamit ng isang cosmetic product na mayroong kemikal na ipinagbabawal na gawing sangkap.
Ayon sa FDA, ang ‘pekas toner’ na gawa ng Crystal Infinity Health and Beauty Inc., ay mayroong Methanol.
Sinabi pa ng FDA na non-compliant ang nasabing produkto sa umiiral na pamantayan, na posibleng magdulot ng panganib sa tao.—sa panulat ni Hya Ludivico