Nagbabala ang FDA sa publiko kaugnay sa paggamit ng Ivermectin bilang alternatibong gamot sa severe COVID-19 cases pamalit sa Tocilizumab na kinukulang na ng suplay.
Muling iginiit ni FDA director general Eric Domingo na wala pang ebidensya na makatutulong ang Ivermectin para maibsan ang mga sintomas ng mga pasyente ng COVID-19.
Tinukoy muli ni Domingo ang side effects ng Ivermectin sa utak, atay at bato, kaya’t hindi ito dapat gamiting gamot kontra COVID-19.
Bukod pa aniya ito sa poisoning at toxicity cases at reports dahil sa paggamit ng Ivermectin, kaya’t mas mabuting hintayin na ring matapos ang clinical trials hinggil dito.