Ibinabala ng pamunuan ng Food and Drug Administration o FDA sa publiko ang pagbili ng Bongbong’s Special Piaya.
Ayon sa FDA, ito’y dahil hindi nakarehistro sa ahensya ang naturang food product.
Bukod dito, hindi rin anila naka-rehistro sa ahensya ang sloan’s food products barquillos short, mayo bay tablea at maging ang Ruffa’s Banana Chips.
Ibig sabihin, ang mga nabanggit na food products ay walang Certificates of Product Registration (CPR).
Sa huli, iginiit ng FDA na walang kasiguraduhan sa kaligtasan ng mga pagkaing ito dahil hindi dumaan sa tamang evaluation process ng ahensya.