Gawa sa Pilipinas ang mga peke at hindi rehistradong anti-rabies vaccine na ginamit ng isang ospital sa Pasig City.
Kinumpirma ito ng Food and Drug Administration (FDA) kasunod nang imbestigasyon nila matapos aminin ng Medical City na peke ang itinurok nitong anti-rabies vaccine sa ilang pasyente nito noong nakalipas na taon.
Ipinabatid ni Michelle Lapuz, Director ng Legal Support Service Center ng FDA na peke ang Verorab vaccine na may batch number H1833.
No comment muna si Lapuz sa iba pa anitong critical information dahil tuluy-tuloy pa ang imbestigasyon nila rito bagama’t natukoy na nila ang distributor at manufacturer ng nasabing bakuna.
Bukod sa Medical City, naipamahagi rin umano ang pekeng bakuna sa 42 iba pang ospital.
—-