Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa naglipanang mga pekeng gamot sa merkado.
Kasunod ito ng pahayag ng FDA na nakakumpiska sila ng higit sa 6 na milyong halaga ng unregistered at pekeng gamot sa merkado ngayon taon.
Ayon kay DOH Undersecretary Kenneth Hartigan – Go, malinaw itong banta sa kalusugan ng mga Pilipino.
Aniya, mas lumala pa ang pagkalat ng pekeng gamot sa merkado ngayong taon kumpara noong 2014 kung saan nakakuha lamang ng 2.9 miyong halaga ng mga unregistered medicines.
Nagmula ang mga pekeng gamot sa China, Pakistan, India at mayroon ding ginagawa mismo dito sa ating bansa.
Karamihan sa mga nakumpiskang gamot ay mula sa Metro Manila, Cavite, Pampanga, Isabela, Cebu, Bohol, Leyte, Davao at Zamboanga.
By Rianne Briones