Nagbabala ang pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili ng mga face masks na gawang ‘Jia Dou Bao.’
Sa isang pahayag, sinabi ng FDA, na batay sa kanilang isinagawang post marketing surveillance natuklasan nilang walang product notification certificate ang naturang brand ng masks.
Ibig sabihin, ayon sa FDA, hindi dumaan sa evaluation process ang naturang produkto kaya’t hindi tiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Sang-ayon sa Republic Act Number 9711, bawal ang paggawa, pag-import, at pagbebenta ng walang kinauukulang pahintulot mula sa ahensya.
Kasunod nito, nanawagan ang FDA sa publiko na i-report ang sinumang nagbebenta ng nabanggit na brand ng masks sa pamamagitan ng e-report o sa kanilang website.
***FDA Advisory No.2021-0693***
The Food and Drug Administration (FDA) warns all healthcare professionals and the…
Posted by Food and Drug Administration Philippines on Sunday, 11 April 2021