Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko kaugnay sa pagbili ng ilang produkto ng Colourette.
Ipinabatid ng FDA na lumalabas sa post marketing surveillance nila na walang certificate of product notification ang nasabing produkto hanggang nitong ika-20 ng Enero kaya’t hindi ito ligtas gamitin ng publiko.
Kabilang sa mga produktong ito ang Colourette colourglaze serotonin, Colourette colourglaze blanket, Colourette colourglaze daydream at Colourette colourglaze sundown.
Nanawagan ang FDA na kaagad i-report sa www.fda.gov.ph/esport sakaling patuloy pa ang pagbebenta ng mga nasabing hindi rehistradong produkto.
Ayon naman kay nina Ellaine Dizon-Cabrera, founder/CEO ng Colourette hinihintay na lamang nila ang verification bago mag re-stock ng colourglaze.
***FDA Advisory No.2021-0202***
The Food and Drug Administration (FDA) warns the public from purchasing and using the…
Posted by Food and Drug Administration Philippines on Wednesday, 10 February 2021