Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko at mga healthcare professionals kaugnay sa paggamit at pagbili ng mga hindi rehistradong medical products.
Kabilang sa mga produktong ibinabala ng FDA ay hindi rehistrado, hindi dumaan sa pagsusuri at walang product notification certificate.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Disposable Face Mask 99% Bacteria Filtration Efficiency
- Zhad Yang Medical Cotton Swabs
- Zithromax® Azithromycin For Suspension 0.1g
- OTC F® Z51020114 [Label in Foreign Language]
- KL® Sodium Chloride Injection 0.9% 500ml:4.5g
- OTC H20003790 [Label in Foreign Language]
- Xinshenghua Keli
- OTC Zhibai Dihuang Wan
- HUIFA® Zhisuningpian
Matatandaang batay sa Republic Act No. 9711 o mas kilala bilang Food and Drug Administration Act of 2009 na ang paggawa, pag-aangkat, pag-export, pagbebenta, distribusyon, pagpromote, pag-advertise o pag-sponsorship ng mga health products na walang tamang otorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.
Bukod pa rito, nagbabala rin ang ahensya sa pagbili, pagkain o pag-inom at pagbebenta ng mga produktong pagkain na hindi pa rehistrado.
Ito ay ang mga sumusunod:
- OBF Longanisa de Guinobatan Special Longganisa – Spicy | Special Longganisa – Regular
- Pro-fit Berry Barley Premium Barley Drink, Net Wt. 225g (15g X 15 Sachets)
- D’Barako Coffee in a Bag Puro Kapeng Barako, 13 Bags
- First Vita Plus Lemon Grass Tea with Green Tea, Net Wt. 1.5g X 10 Sachets
- Wild Organica Turmeric Powder
- Dr. Wang Turmeric Coffee
- L&P Calamansi Juice, Net Vol. 330ml
- Laid’s Special Chicharon – Spicy
- Emy’s Sweets and Pastries Tamarind – Salted
- Emy’s Sweets and Pastries Tamarind – Sweet
- Goodtaste Pork Luncheon Meat, Net Wt. 397 grams (14 oz)
- Charlyn’s Special Miswa
- Pabo Miswa, Net Wt. 200g
- Maya Miswa, Net Wt. 200grams
- Canciller’s Food Products Special Pancit Canton, Net Wt. 250g
Samantala, hinikayat naman ng FDA ang lahat ng mga nagbebenta ng mga naturang produkto na ihinto muna ang distribusyon ng mga ito hanggat hindi pa ito rehistrado dahil mapipilitan ang ahensya na patawan ang mga ito ng karampatang parusa.
Kaugnay nito, hinimok rin ng FDA ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking hindi ito naibebenta sa kanilang mga nasasakupan.
Paalala rin ng ahensya sa Bureau of Customs na mas paigtingin ang pagbabantay upang walang makapasok sa bansa na mga hindi rehistradong produkto.
Maaari rin anilang, ireport via online ang pagbebenta o distribusyon ng mga hindi rehistradong produkto sa pamamagitan ng kanilang website www.fda.gov.ph/ereport— sa panulat ni Agustina Nolasco