Binalaan ng FDA o Food and Drug Administration ang publiko laban sa pagbili ng 5 hindi rehistradong drug products.
Kabilang sa mga produktong ito ayon kay Health Secretary at OIC-FDA Director General Janette Garin ang Moxifloxacin Hydrochloride Moxibright 5 ml eye drops, Carboxymethyl Cellulose Sodium Plus Glycerin Tearbright Plus 10ml eye drops at Moxifloxacin Hydrochloride Occumox 5ml eye drops.
Pinayuhan ng FDA ang publiko na bumili lamang ng gamot mula sa mga lisensyado nilang establishments at palaging i-check ang FDA registration number sa product label.
By Judith Larino