Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA sa publiko laban sa pag-inom ng slimming pills na mabibili sa internet.
Ito ay matapos na mamatay ang isang 19-anyos na dalaga sa Dapitan, Zamboanga del Norte matapos na uminom ng hanggang apat na piraso ng slimming pills kada araw.
Paalala ng FDA, mahalagang magpakunsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot.
Bumili lamang sa mga lisensyadong botika o tindahan upang masiguro ang kalidad ng bibilhing gamot.
By Rianne Briones