Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili ng mga anila’y misbranded face mask products.
Tinukoy ng FDA ang mga labels sa ilang face mask products na nakasulat sa dayuhang lengguwahe tulad ng Fu Le Bang Disposable Mask na may foreign characters, Flag World Face Mask na may foreign characters at iba pang misbranded masks na may foreign characters.
Ayon sa FDA, tanging English at Filipino ang mga salitang ginagamit sa pag-label ng mga produkto sa bansa.
Sa ilalim ng panuntunan ng FDA, itinuturing na misbranded ang isang produkto kapag hindi naiintindihan ang mga impormasyong nakasulat sa label nito.