Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa pagkalat ng ilang brand ng surgical mask na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, dapat dumaan sa masusing pagsusuri ng FDA ang mga medical mask, taliwas sa kumakalat ngayong Day Maker Disposable Face Mask at Ainbei Disposable Protective Mask.
Dapat na rehistrado aniya sa FDA ang mga surgical mask ma ibinebenta bilang medical grade mask o ginagamit ng medical health workers subalit hindi naman na kailangang iparehistro sa FDA ang face mask na hindi ginagamit para sa medical purpose.
Dahil dito, hinimok ng FDA ang Bureau of Customs na bantayan ang mga pumapasok na imported face mask.