Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa pagbili ng ilang brand ng Chinese medicine.
Sinabi ng FDA na hindi rehistrado sa ahensya ang Jinling Fast Act Cold Capsules at Wong Tai Chiu Medicine Ser Lee Tan, batay sa kanilang isinagawang post marketing surveillance.
Nangangahulugan itong hindi tiyak na ligtas at mabisa ang mga nasabing gamot kayat maaaring maging mapanganib ito sa kalusugan ng publiko.