Naghahanda na ang Food and Drugs Administration (FDA) sakaling magkaruon na ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni FDA Director General Eric Domingo na naglaan na sila ng fast lane para sa mas mabilis na pag proseso sa pagpapa-rehistro ng bakuna laban sa COVID-19.
Muling nilinaw ni Domingo na nasa mahigit 200 candidate vaccines ang pinag-aaralan ng experts mula sa ibat ibang bansa.
Isandaan at apatnapu (140 )rito aniya ay nasa early clinical trial o sinusubukan sa hayop habang 25 naman ang sinusubukan sa tao at lima ang nasa phase 3 na ng clinical trial.
Kayat umapela si Domingo sa publiko na i-report sa fda sakaling may makitang nagbebenta ng bakuna kontra COVID-19 dahil tiyak na peke ito.