Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) na wala pang nasal spray ang napatunayang epektibo para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.
Ayon kay FDA Chief Eric Domingo, hinihintay pa sa ngayon ng bansa ang resulta ng clinical trials na magpapatunay na malaking tulong nga ang paggamit ng nasal spray laban sa COVID-19.
Ani Domingo, ang available lamang ngayon na nasal spray ay para sa panlinis ng ilong, pambigay ng kaunting proteksyon ng panandaliang panahon lamang.
Ngunit hindi pa aniya ito maaaring gamitin o pamalit bilang gamot o bakuna kontra COVID-19.
Una rito, sinabi ng World Health Organization ang pagsasailalim sa clinical trial ng walong spray vaccines kung saan direktang gagamitin ito sa ilong na parte ng ating katawan na karaniwang pinapasukan ng virus.