Pinagkalooban na ng Food and Drug Administration (FDA) ng certificate of product registration o CPR ang ivermectin na gawa sa Pilipinas bilang isang anti-parasitic drug para sa tao.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang sertipikasyon ay inisyu nila pabor sa Lloyd Laboratories na gumagawa ng nasabing gamot sa bansa.
Gayunman, hindi nilinaw ng FDA kung pinapayagan na nila itong gamitin bilang gamot laban sa COVID-19.
Matatandaang kinastigo ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang mabagal na pag-apruba ng ahensya sa ivermectin bilang potensyal na gamot sa coronavirus.