Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Agriculture (DA) at iba pang kinauukulang ahensiya.
Kaugnay ito sa usapin kung kinakailangang tanggalin sa merkado ang mga produktong karneng baboy na magpopositibo sa African Swine Fever.
Ayon kay FDA Officer-in-Charge Usec. Eric Domingo, mandato ng FDA ang tiyaking ligtas na kainin ng mga tao ang lahat ng produktong pagkain.
Sinabi ni Domingo, nakahanda silang ipatigil ang distribusyon ng mga produktong karneng baboy kung ipag-uutos at sasabihin ng DA na may banta ang mga ito sa populasyon ng mga alahang baboy.
Sa ngayon, aniya ay wala pang natatanggap na official report ang FDA mula sa DA.