Nakakuha na ng sample ng nakalalasong lambanog ang Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Health Undersecretary at FDA Officer in Charge Eric Domingo, ngayong araw ay nakatakda nilang ilabas ang magiging resulta ng pagsusuri.
Tutukuyin dito kung talagang mataas nga ang methanol content ng lambanog at kung ito ang naging dahilan ng pagkalason ng mga mahigit 200 katao.
Samantala, hinikayat ni Domingo ang mga nakainom ng lambanog nitong mga nakalipas na araw na agad na magpatingin sa doktor sakaling makaramdaman ng pagkahilo, pagsusuka at pagkawala sa sarili.