Maglalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng desisyon ukol sa paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga menor de edad, matapos ang isa hanggang dalawang linggo.
Ito’y matapos aprubahan ng China ang pagtuturok ng Sinovac sa mga bata.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, pinag-aaralan pa ng mga vaccine expert ng bansa ang aplikasyon ng naturang bakuna sa tatlong taong gulang pataas.
Kasabay nito, muling iginiit ni Domingo na hindi pa prayoridad ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa bansa.