Namumulitika ang Food and Drug Administration (FDA) sa isyu nang paggamit ng Ivermectin sa mga pagamutan sa laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang tahasang inihayag ni dating Health secretary ngayo’y Congresswoman Janet Garin matapos bigyan ng permit ng FDA ang isang ospital lamang para gamitin ang Ivermectin na hindi naman maaaring mabili ng publiko over-the-counter.
Sinabi ni Garin na malinaw na political accommodation lamang ang ginawa ng FDA sa inisyung compassionate special permit sa iisang ospital lamang para gamitin ang nasabing anti parasitic drug sa paglaban sa COVID-19.