Nanawagan na rin ang Food and Drug Administration (FDA) kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na ibasura ang vape bill.
Nakasaad sa liham na ipinadala ng FDA sa Punong Ehekutibo na nanindigan sila na may mandato ang ahensya nito sa pagregulate ng vape.
Giit pa ni FDA officer in charge Director General Dr. Oscar Guttierez ang kasalukuyang ruling ng Korte Suprema na may kapangyarihan ang FDA na i-regulate ang anumang health products o anumang produkto na makakaapekto sa kalusugan ng tao.
Sa ilalim ng Vape Bill, maililipat ang pagreregulate ng naturang produkto sa Department of Trade and Industry (DTI).