Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili ng COVID-19 test kits mula sa mga hindi otorisadong distributor.
Ayon sa FDA advisory, na ipinapaalam sa lahat ng kinauukulang stakeholders at sa publiko na walang fda certified self-administered COVID-19 test kits.
Hinihikayat ng ahensya na kumuha ng FDA certified COVID-19 test kits sa pamamagitan ng mga awtorisadong importer o kanilang awtorisadong distributor na may License to Operate (LTO).
Inutusan ng FDA ang mga regional field offices at regulatory enforcement units na magsagawa ng kumpletong pagsubaybay sa hindi wastong pamamahagi ng lahat ng COVID-19 test kits kabilang ang mga online platforms.
Samantala, hinimok din ng na iulat ang anumang pagbebenta o pamamahagi ng hindi sertipikadong COVID-19 test kits sa pamamagitan ng online reporting facility e-report email sa ereport@fda.gov.ph. —sa panulat ni Kim Gomez