Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko hinggil sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong produktong pagkain.
Partikular na tinukoy ng FDA ang:
-Harvey Banana Ross Soft Candy
-Kitchen Pantry Beryl’s Milk Choco
-Jersey’s Peanut Butter
-Meiji chocolate kung saan ang label ay nasa foreign characters
-Dandy’s Garlic Peanuts
Sa ginawang post marketing surveillance, napag-alaman na walang certificate of product registration ang naturang mga produkto.
Ayon sa FDA, dahil hindi dumaan sa tamaang evaluation process ang mga nabanggit na produkto ay hindi matitiyak na ito ay ligtas at nasa tamang kalidad.
Maliban dito, ibinabala rin ng ahensya na bawal ang pagbebenta at pag-advertise ng naturang mga mga produkto hangga’t hindi pa ito nakakakuha ng certificate of registration.