Pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang “compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin para sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient.
Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, nabigyan ng special permit ang isang ospital na nagsumite ng aplikasyon para sa compassionate use ng Ivermectin.
Gayunman, nilinaw ni Domingo na magkaiba ang naturang permit na ibinagay sa ospital na iyon kumpara sa pending application ng dalawang local manufacturers na nag-a-apply para sa product registration ng Ivermectin.
Aniya, sa oras kasi na mabigyan na ito ng certificate para sa product registration, ibig sabihin ay maaari ng ibenta ang naturang gamot, commercially.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang Ivermectin matapos ilang mambabatas ang nagrerekomenda o nanghihikayat na gamitin ito bilang pang laban sa COVID-19.