Nakatutulong na makabawas ng panganib ang pagpapabakuna ng SINOVAC vaccine na mauwi sa severe o malalang kondisyon oras na madapuan ng COVID-19.
Ito ang naging paliwanag ni Food and Drug Administration (FDA) Eric Domingo makaraang may naiulat sa Indonesia na maraming manggagawang nabakunahan ng SINOVAC vaccine ang na-ospital.
Sinabi ni Domingo na patuloy nilang ino-obserbahan, at mild symptoms lamang ang naitala sa mga nabakunahan ng SINOVAC.
Maaari pa aniyang matamaan ng COVID-19 ang mga nabakunahan ng una at pangalawang dose ng SINOVAC ngunit hindi na ito magiging malala.
Samantala tiniyak ng Department of Health sa publiko na ang mga bakuna ay epektibo pa rin, ngunit mayroong ilang mga “breakthrough impeksyon” ng COVID-19 pagkatapos mabakunahan ng SINOVAC.