Pinag-aaralan na ng Food and Drug Administration ang pagpapalawig ng booklet-free rule para sa 20% na discount sa gamot para sa mga Persons with Disabilities, bukod pa sa senior citizens.
Ayon sa FDA, nagpupulong na ang kanilang mga opisyal para talakayin ang inisyatiba ng Department of Health para sa pag-i-isyu ng Administrative Order 2024-0017.
Matatandaang bago ito, kinakailangang ipakita ng mga senior citizen ang kanilang booklet sa mga botika para makuha ang 20% discount sa mga over-the-counter na gamot at medical devices.
Nagsisilbi rin itong paraan para makita ng pharmacists kung binibili ng mga lolo at lola ang tamang dami ng iniresetang gamot.
Bagama’t nire-require ang mga PWD sa kaparehong kautusan, wala pang inilalabas na administrative order ang DOH para isama ang mga ito sa booklet-free rule. – Sa panulat ni Laica Cuevas