Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na epektibo ang mga COVID-19 vaccines laban sa banta ng mga bagong variant partikular na ang Delta variant.
Iginiit ni FDA Director-General Eric Domingo na sa kabila ng mas mababang efficacy rate, gumagana pa rin ang mga bakuna at nakapagbibigay ng proteksyon laban sa mga bagong variant ng coronavirus.
Inihalimbawa ni Domingo, ang Pfizer vaccine na mayroong 88% lamang na bisa laban sa Delta variant kumpara sa nakuhang 93% na efficacy rate sa Alpha variant o UK variant.
Habang ang astrazeneca naman ay 60% na mabisa laban sa Delta variant, kumpara sa 66% laban sa Alpha mutation.
Sinabi pa ni Domingo na pinag-aaralan pa sa ngayon ang bisa ng Sinovac, Sputnik V, Sinopharm, Janssen, at Moderna laban sa Delta variant. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico