Natukoy na ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang dahilan ng pagkalason ng libu-libong residente sa Davao Region makaraang kumain ng durian candy.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, nagpositibo sa staphylococcus ang naturang durian candies na maaaring galing sa raw material o sa mismong paggawaan nito.
Maliban dito, sinabi ni Garin na posible ring nakontamina ang mga durian candy habang nasa proseso ng manufacturing o repacking.
Patuloy naman ang isinasagawang pagsusuri ng mga otoridad sa iba pang sample dahil sa posibilidad na kontaminado din ito ng kemikal.
By Ralph Obina