Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA na aarestuhin nila ang mga nagbebenta ng overpriced Tocilizumab na ginagamit na lunas sa COVID-19.
Ito’y matapos pumalo ang presyo mula P80,000 hanggang P100,000 bawat vial.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakikipag-ugnayan sila sa PNP. at NBI at sa katunayan ay mayroon ng mga naaresto sa buy-bust operations.
Noon lamang nakaraang linggo ay nasakote ng mga otoridad ang isang suspek sa Cavite na nagbebenta ng sobrang mahal na Tocilizumab.—sa panulat ni Drew Nacino