Nagbabala si Food and Drug Administration Director General Eric Domingo sa mga bumibili ng mga gamot online bilang panlaban sa Corona virus disease at iba pang sakit.
Ayon kay Domingo, karamihan sa mga itinitindang gamot sa online ay mga peke at hindi mga rehistrado ng kanilang ahensya.
Bukod pa dito, ang ilan din sa mga itinitindang gamot online ay hindi nakapasa sa requirement ng FDA.
Muli namang nakiusap si Domingo sa publiko na delikado ang mga gamot na iniinom ng isang indibidwal kung hindi ito otorisado ng kanilang ahensya. —sa panulat ni Angelica Doctolero