Walang natatanggap na report ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa blood clotting o pamumuno ng dugo sa mga naturukan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng AstraZeneca.
Ayon ito kay FDA Director General Eric Domingo matapos suspindihin ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng nasabing bakuna sa mga 59-pababa.
Sinabi ni Domingo na naghihintay na lamang sila ng rekomendasyon ng vaccine experts panel at ng World Health Organization para sa dagdag na impormasyon hinggil sa bakuna kontra COVID-19 ng AstraZeneca.
Inihayag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng magkaroon ng dagdag indikasyon sa paggamit ng nasabing bakuna ng AstraZeneca.