Hinimok ng isang grupo ng mga anti-Marcos ang publiko na lumahok sa kilos-protesta sa ika-31 anibersarsyo ng EDSA People Power Revolution.
Giit ng “February 25 movement” na samahan ng 60 organisasyon, hindi dapat ibaon na lang sa limot ang mapayapa at matagumpay na pagpapatalsik sa diktaturyang Marcos makaraan ang 31 taon.
Nanawagan din ang grupo sa pamahalaan na itigil na ang mga pagpatay bunsod ng madugong giyera laban sa iligal na droga.
Ang tinaguriang ‘the power of we’ ay ikakasa sa Pebrero 25 sa People Power Monument sa lungsod ng Quezon.
By: Jelbert Perdez