Inanunsyo ng DENR o Department of Environment and Natural Resources na malaki na ang ibinaba ng fecal coliform level ng Manila Bay mula nang simulan ang rehabilitasyon nito.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, malaki ang naging bahagi ng pagpapasara ng Manila Zoo sa unti-unting pagbaba sa lebel ng dumi ng tubig sa Manila Bay.
Gayunman, nanatili pa ring mataas ito sa 100 MPN o Most Probable Number na standard coliform level.
Samantala, patuloy pa rin ang paalala ng gobyerno sa publiko na hindi pa rin ligtas na pagliguan ang Manila Bay.