Patuloy nang bumababa ang fecal coliform level sa Manila Bay kasunod ng mga rehabilitation effort ng pamahalaan para maisalba ang dagat.
Ito ang inanunsyo ni DENR Secretary Roy Cimatu sa gitna ng patuloy na rehabilitasyon sa Manila Bay.
Naniniwala si Cimatu na malaki ang naging pagbabago ng Manila Bay matapos ipasara ang ilang mga pribadong establisyemento malapit sa lugar.
Ang naturang establisyemento aniya na walang sariling sewage treatment plant ang dahilan ng pagdudumi ng dagat dahil diretso sa estero ang dumi nito na tumutuloy naman sa Manila Bay.
Gayunman, sinabi ni Cimatu na bagama’t bumababa na ang fecal coliform level ay hindi pa rin ito pasok sa standard na 100 million post probable number para sa recreational activities kung saan maaari nang paglanguyan.