Mga naglulutang basura, mga sirang bangka at mga gusali at bahay na itinayo malapit sa katubigan.
Ito ang nakita nina environment secretary Roy Cimatu, MMDA Chairman Danilo Lim at mga opisyal ng Pasig river rehabilitation commission sa ginawa nilang inspeksyon sa Pasig River.
Sa ginawang pagbiyahe ng mga opisyal mula Manila Bay hanggang Marikina City nadiskubre ang fecal waste o dumi ng tao mula sa mga informal settler sa Baseco at Del Pan areas sa Maynila na hindi pa nare-relocate.
Nagpapadumi rin sa ilog ang mga basura mula sa tugboats sa Binondo samantalang naiwang nakahilera malapit sa Pasig River lighthouse ang mga lumang bangko ng gobyerno.
Maraming area ng Pasig River ang walang sapat na pumping stations na siyang dapat nagpi-filter ng mga basura mula sa tubig bago ito ilabas sa Pasig River patungong Manila Bay.
Sinabi ni Lim na nagbigay na ng loan ang World Bank sa Pilipinas para sa rehabilitasyon at pagtatayo ng mas marami pang pumping stations.