Muling binuhay ni retired Chief Justice Reynato Puno ang panawagang isulong ang federal system of government sa Pilipinas.
Sa isang webinar na pinangunahan ng Pimentel Institute for Leadership and Governance, ipinunto ni Puno na lumitaw sa sunod-sunod na kalamidad at COVID-19 pandemic na tumama sa bansa ang pangangailangan ng pagkakaroon ng pederalismo.
Paliwanag ng dating punong mahistrado, bukod sa mapipigilan nito ang korapsiyon at red tape sa gobyerno ay magiging pantay-pantay din ang kapangyarihan at resources ng bawat rehiyon.
Matatandaang si Puno ang chairman ng Consultative Committee (ConCom) na naatasang bumuo ng federal constitution pero hindi nagtagal ay nabuwag din ang naturang komite.