Hindi pa tuluyang namamatay ang pagpapalit sa sistema ng pamahalaan sa federalismo.
Pahayag ito ni Atty. Ding Generoso, spokesman ng dating Constitutional Commission bilang reaksyon sa tila pagsuko na ng Pangulong Rodrigo Duterte na isuko ang federalismo.
Ayon kay Generoso, malalaman lamang ang kapalaran ng federalismo sa sandaling magbukas na ang bagong kongreso.
Naniniwala rin si Generoso na malalaman ang tunay na damdamin ng pangulo sa federalismo sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Siguro lagyan natin ng konteksto ‘yung sinasabi ng Pangulo (Duterte). Tyaka alam mo naman minsan ang pangulo pagka nagbitaw ng salita ay maaaring iba ang ibig sabihin, kasi, ‘yung draft constitution ng ConCom ay hindi pa naman ‘yan naisusumite sa Kongreso. So, hintayin natin baka pagkadating nitong pagbubukas ng darating na Kongreso natin, kung kanyang isasalang pagdating ng SONA,” ani Generoso.
Kumbinsido rin si Generoso na mas maraming Pilipino na ngayon ang nakaka-unawa at sumasang-ayon na palitan sa federalismo ang sistema ng pamahalaan.
Mali ‘yung sinasabi lagi na ganyan, dahil mali nga ‘yung ginagawang survey at mali ‘yung pagbasa nila do’n sa survey. Alam mo sa dami ng naikot ko no’ng 90 days ng kampanya sa palengke, mga tricycle driver, mga magsasaka, mga mangingisda, aba’y mas mabuti pa nga sila at naiintindihan, e. ‘Yung mga utak kasi ng mga tao dito sa Metro Manila, lalo ‘yung nasa kapangyarihan, ang akala nila sila lang ang nakakaintindi,” dagdag pa ni Generoso.
Ratsada Balita Interview