Isusulong ng transport groups na ibalik na sa P8.00 ang minimum na pasahe sa jeep.
Inihayag ito ni Zenaida Maranan, Pangulo ng FEJODAP sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ngayong araw na ito, P1.55 ang naidagdag sa presyo ng kada litro ng diesel na siyang gamit ng mga jeepney.
Noong Enero ng taong ito, ibinaba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P7.00 ang minimum na pasahe sa jeep makaraang bumaba sa P24.00 ang kada litro ng diesel mula sa dating mahigit sa P40.00.
Bahagi ng pahayag ni FEJODAP President Zeny Maranan
War on drugs
Samantala, aminado ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na may mga jeepney drivers sa kanilang grupo ang gumagamit ng bawal na gamot.
Ayon kay Zenaida Maranan, Pangulo ng FEJODAP, hindi naman ito natutukoy sa drug test sa pagkuha ng lisensya para magmaneho dahil madali lamang itong nadadaya.
Sinabi ni Maranan na bukas ang kanilang hanay kung masakop sila ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).
Bahagi ng pahayag ni FEJODAP President Zeny Maranan
By Len Aguirre | Ratsada Balita